Main Menu
Home
The ABP Vision
Ulirang Pilipino
Unity Principle
Articles
Contact Us
Search
Community Photos
Photo Album 2005
Photo Album 2006
Community Members





Lost Password?
No account yet? Register

Most Viewed Videos

Magkaisa - Virna Lisa - Philippines
Added by:abpadmin
Rating:
Views:756
Date:22-12-2008
Handog Ng Pilipino Sa Mundo - Apo Hiking - Philippines
Added by:abpadmin
Rating:
Views:636
Date:22-12-2008
Ako ay Pilipino - Kuh Ledesma
Added by:boogie
Rating:
Views:566
Date:26-12-2008
Ang Kapatiran Project MMX for 2010
Added by:abpadmin
Rating:
Views:493
Date:22-12-2008


Ningas Bao, Handa na Habit... PDF Print E-mail
Written by Gregorio V. Bituin   
NINGAS-BAO, HANDA NA HABIT, ANT MENTALITY, AT TAMANG KONSEPTO NG FILIPINO TIME

(Unang lumabas ang artikulong Ningas-bao sa The Featinean, July-October 1996 issue. Ito’y nasulat sa wikang Ingles. Lumabas uli ito sa Kolum Estudyante ng pahayagang Dyaryo Uno, Disyembre 1, 1998, p. 5. Pero dalawa na ang tinalakay dito: ang ningas-bao at ang ant mentality. Sa pagdaan ng ilang buwan, umunlad pa ang konseptong ito at naging apat. Dito na naitatag ang Kampanyang Ningas-Bao, atbp. (KNBa) bilang impormal na organisasyong nangangampanya para dito. Ang artikulong ito ay ginawang palasak sa porma ng isang polyeto at ipinamamahagi ito sa mga kakilala, kamag-anak at kaibigan, pati na sa mga kilalang opisina, NGO, PO, unyon, guro, dean sa mga eskwelahan, environmental groups, writers groups, kongreso, aktibista, atbp. Nalathala itong muli sa kauna-unahang labas ng magasing Tambuli nitong Abril 2006. Kung sang-ayon kayo sa sulating ito, sana’y makatulong kayo sa pagpapalaganap nito. Marami pong salamat. Mabuhay kayo! – Greg Bituin Jr.)
 
langgam.jpg
 
Panahon na para baguhin natin ang maraming kaugaliang Pilipino na nagiging hadlang sa ating pag-unlad. Karamihan sa mga kaugaliang ito’y tila anay na sumisira sa ating pagkatao, pagkabansa, at organisasyong kinabibilangan. Papaano natin babaguhin ang mga negatibong kaugaliang ito? Una, sa pamamagitan ng positibong alternatibo nito. Pangalawa, ikampanya ang mga alternatibong ito upang kumintal sa isipan ng mga tao. Pangatlo, nasasainyo ang pasiya, kaibigan. Kung nais nating iwaksi at baguhin ang mga negatibong kaugaliang Pinoy na nakagisnan natin, ating palaganapin ang mga positibong kaugaliang Pilipino.

Ningas-kugon. Mañana habit. Crab mentality. Spanish time (na ipinagkakamaling Filipino time). Ilan ito sa mga negatibong kaugaliang Pinoy na naging bahagi na ng ating kultura at dapat baguhin. Balakid ang mga ito sa ating mga gawain, pang-indibidwal man, pang-organisasyonal o pambansa.

Alam nating hindi ito mababago sa isang iglap, pero may pag-asa pangmabago ito. Kung ito’y talagang gagawin natin. At kung may kusa tayo.

Nais kong balikan ang sinabi ng ating bayaning si Gat Apolinario Mabini: “Our revolution must be not only external but internal. We must provide a more solid basis for character formation, and we must rid ourselves of the vices which are, for the most part, a legacy of Spanish rule.” (Mula sa aklat na “readings in Philippine History” by H. dela Costa, S. J., Chapter IV, pp. 243-244). Ibig sabihin, kung nais nating baguhin ang sistema ng lipunan, dapat baguhin din natin ang mga negatibong kaugaliang pinamana sa atin ng sistemang ito.

Malaki ang magiging epekto ng positibong alternatibo nito upang kahit papaano’y maminimisa, kung di man ganap na mapawi, ang mga negatibong kaugalian sa ting kultura. Kung hindi tayo mag-iisip ng alternatibo sa mga palasak na katawagang “ningas-kugon” , “mañana habit”, “crab mentality” at ang maling katawagang “Filipino time” na kung tutuusin ay “Spanish time”, malamang na magpatuloy pa rin ito. Ayon nga sa psychology, anumang palasak ang karaniwang nangingibabaw at ginagawa.

Mananatili pa rin sa ating kultura ang apat na kaugaliang Pinoy na ito kung magwawalang-bahala lang tayo. Kailangan ng “equalizer”, ika nga. Ningas-bao. Handa na habit. Ant mentality. Filipino time (maaga sa oras). Ito ang mga positibong alternatibo na dapat na maging bukambibig din ng mamamamayang Pilipino, dahil ito ang kailangan natin sa pag-unlad at pagbabago ng lipunan
 



 
No to Conass!
Advertisements
© 2010 Ang Bagong Pinoy - Loving Our Neighbor is at the Heart of Rebuilding Our Nation